Wednesday, June 23, 2021

Rebyu #32 -- The Screwtape Letters ni C.S. Lewis

Lewis, C.S. The Screwtape Letters. New York:  HarperCollins Publishers, 1996.

                                                                                                                              

There are two equal and opposite errors into which race can fall about the devils. One is to disbelieve in their existence. The other is to believe, and to feel an excessive and unhealthy interest in them. They themselves are equally pleased by both errors and hail a materialist or a magician with the same delight.

 

Isa sa mga marka ng panulat ni C.S. Lewis ay ang paggamit ng malikhaing pagsulat upang magturo ng mga ispirituwal na aral ng Kristiyanismo. Makikita ito sa iba’t ibang akda ni Lewis, lalo na sa kanyang tanyag na seryeng Chronicles of Narnia. Ang katangiang ito ay matatagpuan din sa kanyang nakawiwiling saritikal na akdang The Screwtape Letters. Tinangkang ilarawan ni Lewis dito kung paano mag-isip ang mga demonyo. Umiinog ang naratibo sa serye ng tatlumpu’t isang liham na ipinapadala ni Screwtape, isang demonyong may mataas na katungkulan sa impyerno, sa kanyang pamangkin na si Wormwood, upang turuan ito kung paano epektibong manukso. Bilang bagong gradweyt sa Tempters’ Training College, kakabigay pa lamang kay Wormwood ng tungkuling tuksuhin ang kanyang “patient”, isang binatang Briton, upang mailayo ito sa “the Enemy” at maipadala ang kaluluwa nito sa “Our Father Below.” Madalas na pinapagalitan ni Screwtape si Wormwood dahil sa kakulangan nito ng abilidad na manukso, at pinapayuhang sa tuwi-tuwina’y makipag-ugnayan sa kanilang mga “colleague, mga demonyong inatasang tuksuhin ang ibang mga taong may kaugnayan sa binatang Briton.

 

Isang pedagohikal na kasangkapan ni Lewis ang tinig ni Screwtape, upang magbigay-aral ukol sa samu’t saring aspekto ng buhay Kristiyano, tulad ng pananalangin, relasyon sa pamilya, pagkatisod sa kapwa Kristiyano, pagmamahal, sekswalidad, pakikipagkaibigan, kababaang loob, pagsisimba, pangingialam sa lipunan, at marami pang iba. Gayunpaman, nilinaw ni Lewis sa simula pa lamang ng aklat na marapat maging maingat ang mga mambabasa at huwag basta-bastang paniwalaan ang lahat ng sinasabi ni Screwtape, dahil likas sa mga demonyong pagsamahin ang kasinungalingan at katotohanan.

No comments:

Post a Comment

Rebyu #112 - Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing ni Ricky Lee

Lee, Ricky. Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing. Loyola Heights, Quezon City: Philippine Writers Studio ...