Wednesday, June 23, 2021

Rebyu #20 -- Sulyap sa Aking Pinanggalingan ni Roque Ferriols

Ferriols, Roque J. Sulyap sa Aking Pinanggalingan. Pinatnugutan ni Leovino Ma. Garcia. Quezon City. Ateneo de Manila University Press. 2016.                                                        

 

“Ang daigdig ng pag-iisip ay hindi daigdig ng paligsahan. Hindi isang paghahanap ng kung sino sa atin ang mas magaling mag-isip. Ang hinahanap ng tunay na pag-iisip ay ang katotohanan. Ang daigdig ng pag-iisip ay isang malawak at malalim na larangan na pinaglalakbayan ng mga taong naghahanap. Ang mga taong ito ay naghahanap sapagkat nakatuklas na sila. At alam nilang nakatuklas na sila sapagkat naghahanap pa sila.” (p.61).

 

Ang Sulyap sa Aking Pinanggalingan ay tala ng mga gunita ng pagkabata ni Roque Ferriols, isa sa pinaka pinagpipitagang pilosoper ng bansa. Mayorya sa nilalaman ng gunita ay mga anekdota ng karanasan ni Padre Roque sa kanyang pag-aaral at paghahanda upang maging isang Heswita. Marami sa mga kwentong ito ay naganap sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isinalaysay niya ang samu’t saring paglilingkod na ginawa nila sa gitna ng panganib tulad ng pagtulong sa paglilibing sa mga namatay at pagpapakain ng mga mamamayang nasalanta ng digmaan. Sentral din sa naratibo ni Padre Roque ang papel ng Ateneo sa kanyang pagsasanay sa pagka-Heswita. Liban sa pag-aaral dito ng hayskul, ang Ateneo ng Intramuros at Padre Faura ang nagsilbing tahanan ni Ferriols sa panahon ng digmaan. Mararamdaman ang matinding pagkakaugat niya sa Ateneo sa mga katagang ito na kanyang winika sa isang bahagi ng aklat: “Kahit noon masasabi ko na maaari akong alisin sa Ateneo pero hindi maaalis ang Ateneo sa akin” (p.39). Buong galak niyang isinalaysay ang ukol sa kanyang mga naging guro rito gaya na lamang ni Fr. Horacio dela Costa, at gayundin ang kanyang mga kapwa mag-aaral tulad nina Vitaliano Gorospe at Jaime Bulatao. Ibinahagi rin niya ang hirap at ligaya na kanyang naranasan sa pag-aaral ng mga wikang Latin at Griyego, na balang araw ay makatutulong sa kanyang pag-aaral ng mga tekstong pampilosopiya. Masusulyapan din sa kanyang gunita ang pagiging makata ng pilosoper, na nakasanayang bigyang pakahulugan ang kanyang mga karanasan sa pamamagitan ng pagkatha ng mga tula, na nagkalat sa buong aklat.   

No comments:

Post a Comment

Rebyu #112 - Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing ni Ricky Lee

Lee, Ricky. Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing. Loyola Heights, Quezon City: Philippine Writers Studio ...