Wednesday, June 30, 2021

Rebyu #83 -- KALATAS Vol. 1 (2017)

KALATAS Vol. 1 (2017)


Ang Kalatas ay opisyal na dyornal ng Departamento ng Kasaysayan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na pinangunahang itatag ng dating tagapangulo nito na si Raul Roland Sebastian (na kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad ng naturang pamantasan). Ito ay bilang pagpapalago ng tradisyon ng paglilimbag ukol sa kasaysayan ng Departamento. Ang unang bolyum na ito ng dyornal na inilathala noong 2017 ay binubuo ng limang sanaysay na isinulat ng tatlong kasapi ng Departmento (Sebastian, Christian Paul Ramos, at Roland Abinal Macawili), at dalawang babaeng pantas mula sa Unibersidad ng Pilipinas (Nancy Kimuell-Gabriel) at sa Ateneo de Manila University (Preciosa de Joya). Samu’t saring isyu sa historiograpiya at pilosopiya ng kasaysayan ang tuon ng limang sanaysay.

 

Raul Roland Sebastian
Ang sanaysay ni Raul Roland Sebastian na “Ang Historiograpiya sa Agos ng Kasaysayang Pilipino” ay mairerekomenda sa mga mag-aaral na nais ng mabilisang introduksyon sa pag-unlad ng historiograpiya sa Pilipinas, mula sa panahon ng kolonyalismong Espanyol hanggang sa kontemporaryong panahon. Tinalakay niya ang mga nangingibabaw na temang historiograpikal sa bawat yugto, kalakip ng mahahalagang akdang kumakatawan sa mga temang ito. Ang historiograpiya sa panahon ng kolonyalismong Espanyol ay kinakarakterisa ng maka-banyagang uri ng pagsulat na makikita sa akda halimbawa nina Plasencia, Chirino, at Loarca (na taliwas sa nasyonalistang pagsulat ng mga ilustrado). Pagdating ng mga Amerikano ay nagpatuloy ang ganitong kolonyal na pagsulat ng kasaysayan, bagaman makikitaan ng mahahalagang ambag tulad ng Philippine Islands nina Blair at Robertson. Pagkatapos makamit ng Pilipinas ang kalayaan, umusbong ang mga propesyunal na Pilipinong historyador gaya nina Benitez, Zaide, Alip, at Zafra. Gayunman, nanatili ang pagiging positibista ng historiograpiya sa panahong ito. Sa mas kontemporaryong panahon ay sinalungguhitan ni Sebastian ang mahahalagang kontribusyon ng ilang natatanging historyador tulad nina Teodoro Agoncillo at Renato Constantino (na nagsulong ng nasyonalistang historiograpiya), Reynaldo Ileto (na nagpabago sa metodolohiya ng kasaysayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga ‘di-nakagisnang batis tulad ng pasyon), Vicente Rafael (na nakapag-ambag sa isyu ng pagsasalin sa kasaysayan), at Salazar (na ama ng Pantayong Pananaw). Dinaplisan din niya ang ilang sikat na tema sa pananaliksik sa kasalukuyan tulad ng kasaysayang lokal (hal. Jaime Veneracion), kasaysayang pampubliko (hal. Ambeth Ocampo), at usaping pangkasarian sa kasaysayan (hal. J. Neil Garcia).


 

Nancy Kimuell-Gabriel
Kung si Sebastian ay nagtalakay ng pangmalawakang pagbaybay sa historiograpiyang Pilipino, isang partikular na isyu sa isang ispesipikong eskwelang historiograpikal naman ang naging tuon ni Nancy Kimuell-Gabriel sa artikulo niyang “Ang Pantayong Pananaw at ang Usapin ng Agenda sa Harap ng Iba’t Ibang Kilusang Pang-akademiko at Sosyo-Pulitikal.” Liban sa paglalatag ng kaisipan ni Salazar, nagbahagi rin dito si Kimuell-Gabriel ng kanyang sariling pananaw ukol sa usapin ng paninindigang pulitikal sa konteksto ng Pantayong Pananaw (PP). Aniya, malinaw ang tindig ni Salazar na ang PP ay walang paninindigang pulitikal, dahil isa itong proyektong pangkalinangan na naglalayong bumuo ng isang pambansang talastasan na nauunawaan ng lahat (yamang isinasagawa gamit ang iisang wikang pambansa). Ginamit niyang panlarawan sa PP ang metapora ng karinderya: kung paanong bukas ang karinderya sa lahat ng gustong kumain, bukas din ang PP sa lahat ng taong may magkakaibang paninindigang pulitikal. Yamang may tiwala ang PP sa bayan, susunod ito sa kung ano man ang direksyong pulitikal na pipiliin ng bayan. Bagaman naniniwala rin si Kimuell-Gabriel sa talino ng bayan, iginiit niya na hindi maaaring walang reseta/preskripsyon ang mga intelektuwal ng PP sa bayan at manatili lang itong buntot. Aniya, may kapasidad at responsibilidad ang mga intelektuwal na magpayo at magbigay-babala sa bayan tuwing nanganganib itong pumili ng makasasama sa sarili. Yamang hindi patas ang pagpapamudmod ng impormasyon sa bayan at marami itong nasasagap na reaksyunaryo at konserbatibong pananaw mula sa pamahalaan, simbahan, at midya, inilihad ng may-akda na “Hindi sapat na i-facilitate lang natin ang diskurso, kailangan may malinaw ding tindig sa mga pagtatalo” (p.40). Aniya, kung siya ang masusunod ay dapat nang pagbawalan na sumali sa PP ang mga may paninindigang walang saysay sa bayan. Ibinahagi niya rin ang kanyang opinyon na dapat bawasan ng PP ang pag-atake nito sa mga progresibong elemento tulad ng Kaliwa, dahil kung tutuusin ay maaari silang magkaibigan yamang iisa naman ang kanilang layunin – ang pag-ibig sa bayan. Winakasan niya ang kanyang sanaysay sa pamamagitan ng paglalahad na sa halip na kalabanin ang Kaliwa, dapat ituon ng PP ang pinakamalakas na bigwas nito sa tunay na kalaban ng bayan – ang Kanan.


Preciosa de Joya
Samantala, sa pilosopiya ng kasaysayan naman nakatuon ang sanaysay ni Preciosa de Joya na “Tracing a Constellation in Walter Benjamin’s Thought: On How to Read the Theses on the Philosophy of History.” Nagsagawa siya rito ng eksposisyon sa pananaw ni Walter Benjamin sa pilosopiya ng kasaysayan, sa pamamagitan ng pagsusuri sa akda nitong “Theses on the Philosophy of History” (1940). Inilahad ni de Joya na dalawang batis ang pinagmumulan ng pilosopiya ni Walter Benjamin: Marxismo at teolohiyang Hudio. Para kay Benjamin, ang konsepto ng utopikong lipunang walang uri ng Marxismo ay sekular na bersyon ng pananaw ng mga Hudio ukol sa Mesyanikong panahon. Naniniwala siyang mahalaga ang Mesyanikong panahon upang itama ang obsesyon ng ibang Marxista sa konsepto ng progreso, na dahilan umano ng pagiging inaktibo ng mga ito (dahil nag-aabang na lamang sa pagdating ng pinal na rebolusyon para sa pagdating ng lipunang walang uri sa hinaharap, sa halip na baguhin ang kasalukuyan). Aniya, sa pananaw ng mga Hudio, ang kasaysayan ay hindi isang progresyon ng linyar na pag-unlad. Sa halip, iginiit ni Benjamin na ang ating kasalukuyang panahon ay “out of joint” sa Mesyanikong panahon. Kaya naman ang gawaing pangkasaysayan ay mahalaga upang magamit na batayan ang nakaraan para sa ating problematikong kasalukuyan. Ani ni de Joya, para kay Benjamin ay hindi payak na deskriptibong rekonstruksyon ng nakaraan ang gawaing pangkasaysayan, bagkus ay isa itong etikal na gawain na ang katapus-tapusang layunin ay ang gabayan ang pulitika para sa pagkamit ng katarungan para sa lahat.

 

Christian Paul Ramos
Ang sumunod na artikulo na isinulat ni Christian Paul Ramos ay sanaysay-pagpupugay sa ambag ng isang tanyag na Pilipinong historyador sa historiograpiyang Pilipino: “In Tribute to the Filipino Trailblaizer: Teodoro A. Agoncillo.” Matapos ang paglalatag ng maiksing talambuhay ng tinawag niyang “dean of the Philippine nationalist historiography”, nagbigay-tuon si Ramos sa ilang pangunahing tema ng historiograpiya ni Agoncillo na maituturing na ambag niya sa kabuuang historiograpiyang Pilipino. Una ay ang kritika ni Agoncillo sa konsepto ng obhektibidad sa kasaysayan, na ayon sa kanya ay kalokohan dahil bawat interpretasyon ay nakaangkla sa pananaw at paninindigan ng tagapag-interpretang historyador. Ikalawa ay ang konsepto ng historical imagination, na mahalaga para kay Agoncillo dahil ito ang instrumento upang punan ang mga puwang sa mga naratibong pangkasaysayan na hindi isinasaad ng mga nakasulat na batis. Gayunman ay ipinapaalala ni Agoncillo na dapat na maging maingat sa paggamit ng historical imagination, na nakabatay dapat sa lohikal na pag-iisip at umiiral na kaalaman ukol sa kaligiran ng pinag-aaralang panahon. Ang ikatlo, na maituturing na pinakamahalagang ambag niya, ay ang pagsusulong niya ng maka-Pilipinong pananaw sa kasaysayan. Naniniwala siyang kailangang ilagay sa sentro ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga Pilipino, taliwas sa nakagawiang pagsasakasaysayan kung saan mga banyaga ang laging nasa sentro. Inihalimbawa ni Ramos dito ang paggigiit ni Agoncillo na sa halip na “Philippine insurrection”, ang dapat na itawag sa naganap sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano ay “Filipino-American War”. Isang halimbawa rin ang mataas na pagpapahalaga ni Agoncillo sa mga pangyayari matapos ang 1872, kumpara sa panahon bago ito, na hindi gaanong pinag-ukulan ng pansin ni Agoncillo sa kanyang pagsusulat ng kasaysayan (dahil sa paniniwalang 1872 lang tunay na nagsimula ang kasaysayang Pilipino na mula sa pananaw ng mga Pilipino). Bahagi ng pagtataguyod ng Pilipinong pananaw ang pagsesentro niya kay Bonifacio sa gitna ng Himagsikang Pilipino (sa halip na si Rizal) sa kanyang Revolt of the Masses, na naging daan upang maitampok ang masa bilang pangunahing tagapagpagalaw ng kasaysayan. Sa kabila ng kaliwa’t kanang kritika kay Agoncillo sa kasalukuyan, nanindigan si Ramos na hindi mabubura ang mahahalagang kontribusyong ito ng historyador sa kasalukuyan at hinaharap ng historiograpiya sa Pilipinas.


Roland Abinal Macawili
Ang panghuling artikulo ay ang “Ilang Tala Hinggil sa Suliranin ng Identidad ng mga Ilustrado-Propagandista” ni Roland Abinal Macawili. Gamit ang balangkas ni Zeus Salazar, tinalakay niya ang kalituhang pangkakanyahan ng mga ilustrado na inapo ng mga ladino at paring sekular. Aniya, napasa-Kanluran ang mga ilustrado dahil sa kolonyal na edukasyon, na siyang nagpawalay sa kanila sa bayan. Ang edukasyong ito ang nagpaloob sa kanila sa mundo ng wika-at-kalinangang Espanyol, na iba sa wika-at-kalinangang bayan ng mga Katipunero. Ngunit sa kabila ng pagiging napasa-Kanluran dulot ng sistemang pang-edukasyon ay hindi naman tuluyang makapasok ang mga ilustrado sa mundo ng mga Espanyol dahil sa rasismong ipinaramdam sa kanila ng mga ito. Ang rasismong ito ang nagtulak sa kanila, partikular kay Rizal, upang subukang magbalik-loob sa kalinangang bayan. Ani ni Macawili, kapansin-pansin ito sa ilang aksyon ni Rizal, tulad ng kanyang pagsasalin sa Tagalog ng akda nina Friedrich Schiller at Hans Christian Andersen, tangkang pag-oorganisa ng isang internasyunal na samahan ng mga Pilipinista, at pagsusulat ng anotasyon sa akda ni Morga. Isinagawa ito ni Rizal dahil para sa kanya, ang pagbubuo ng kakanyahang Pilipino ay dapat na nakabatay sa iisang matandang nakaraan, magkakapareho ng katangiang kultural ng mga pangkat etniko, at iisang pinagsisikapang layunin sa kasalukuyan at hinaharap. Gayunman, hindi naging matagumpay ang pagbabalik-sa-bayan ni Rizal, at nanatili siyang bihag ng wika-at-kalinangan ng Kanluran. Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang linya ni Rizal at ng mga ilustrado sa katauhan ng mga kontemporaryong Inglesero, na patuloy na nahihiwalay sa bayan dahil sa sistemang pang-edukasyon.


Bagaman walang iisang pisi na nag-uugnay sa limang sanaysay, ang mga ito ay kontribusyon (gaano man kamunti) sa pagpapalago ng historiograpiyang Pilipino. Sa partikular, pagpapayaman ito sa tradisyon ng pananaliksik sa disiplina ng kasaysayan sa PUP, isang hakbang tungo sa higit na pagpapatatag ng produksyon ng kaalamang pangkasaysayan sa Sintang Paaralan.    

Friday, June 25, 2021

Rebyu #82 - Mga Tomasino sa Pilosopiyang Filipino ni Emmanuel de Leon

De Leon, Emmanuel. Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino: Ang Intelektuwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2019.


Ang rebyu sa aklat na ito ay nailathala bilang:

Santos, Mark Joseph P. "De Leon, Emmanuel. Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino: Ang Intelektuwal na Pamana ng mga Pangunahing Tomasinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino (Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2019)." DALUMAT Tomo 7, Bilang 1 (2021): 79-83.

Matatagpuan ito sa bahay-dagitab (website) ng DALUMAT: 

Gayundin sa Philippine E-Journals: 



Rebyu #81 - Araling Pang-Erya at Araling Kabanwahan nina Mary Dorothy Jose, Atoy Navarro, at Jerome Ong

Jose, dL. Mary Dorothy, Atoy M. Navarro, Jerome Ong. Araling Pang-Erya at Araling Kabanwahan. Manila: Department of Social Sciences, University of the Philippines-Manila: 2021.


Isa sa pinakamemorableng pahayag ni Prospero Covar ang mga sumusunod na linya:

 

Noong una, lubos ang aking paniwala na ang akademikong disiplina ay nagdudulot ng linaw sa ating kultura. Subalit sa aking pagmumuni-muni, natanto ko na inaakit tayo ng akademikong disiplinang ating kinabibilangan na mag-ambag sa teorya, metodo at laman ng mga disiplina at hindi upang ilantad ang F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan. Ang kaisipan, kultura at lipunan sa konteksto ng mga disiplina ay panggatong lamang sa kapakanan at pagpapayabong ng disiplina ngunit hindi ang pagpapayabong ng F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan. Sa Pilipinolohiya, ang mga akademikong disiplina ay siyang kasangkapan upang mapalaya ang F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan at hindi ang kabaligtaran nito.[1]

 

Ang konsepto ng saysay para sa Pilipinas ang isa sa pinakasentral na isyung kinaharap ng mga proyektong intelektuwal noong Dekada Sitenta na tinatagurian natin sa kasalukuyan bilang mga kilusang Pilipinisasyon. Gumapang ang mga kilusang ito sa iba’t ibang disiplina tulad ng kasaysayan, sikolohiya, antropolohiya, pilosopiya, teolohiya, at panitikan, at kalaunan ay mayroon ding ilang pagtatangkang isagawa ito sa agham pampulitika, pampublikong administrasyon at sosyolohiya. Bagaman magkakaiba ng pinagmumulang disiplina, pare-pareho ang mga pantas na nakapaloob dito sa pagtatangkang gawing makabuluhan ang kani-kanilang larangan para sa lipunan at kulturang Pilipino.

 

Ilang taon matapos ang pagsisimula ng mga kilusang ito, iniluwal sa konteksto ng Pantayong Pananaw ang Araling Kabanwahan, bilang isang anyo ng Pilipinisasyon sa multi-disiplinaryong larangan ng Araling Pang-Erya. Pinasimulan ni Zeus Salazar, pinangungunahan sa kasalukuyan nina Atoy Navarro at Adonis Elumbre ang pagtataguyod sa proyektong ito. Ang bagong limbag na akdang Araling Pang-Erya at Araling Kabanwahan[2] ay ambag ng UP Manila sa paglago ng tunguhing ito. Sa aking palagay, ang paglilimbag ng UP Manila sa akdang ito ay isang indikasyon sa pagsulong ng Araling Kabanwahan, yamang ang UP Manila ang isa sa mga pangunahing sentro ng Araling Pang-Erya sa bansa, ang tanging institusyon na nagbibigay ng ‘di-gradwadong digri sa Araling Pang-Erya. Nawa ay masundan pa ito ng iba pang mga publikasyon ng UP Manila ukol sa paksa, hanggang sa maging pormal na bahagi na ng kanilang kurikulum ang Araling Kabanwahan, isang institusyunalisasyon na siguradong lalong makapagpapaunlad sa proyektong ito.

 

Mahalaga ang bagong aklat na ito sa limang kadahilanan.

 

Una, mainam itong panimulang babasahin para sa mga magsisimula pa lamang na lumublob sa mga umiiral na literatura ukol sa Araling Kabanwahan. Liban sa pagsasalaysay ukol sa mismong pag-usbong ng Araling Kabanwahan sa konteksto ng kapantasan ni Salazar, ang paglalahad ni Ong ukol sa programa ng Araling Pang-Erya sa UP Manila, at ang pagsasakasaysayan ni Elumbre sa Area Studies ay nagbibigay sa mambabasa ng mas malawak na kontekstong kinapapalooban ng Araling Kabanwahan. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa Araling Kabanwahan katabi ng Araling Pang-Erya, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasang masulyapan ang kaugnayan ng Araling Kabanwahan sa mahabang tradisyon ng Araling Pang-Erya, na ani nga ni Elumbre ay maiuugat pa sa mga Aleman noong unang dalawang dekada ng ikadalawampung dantaon, bago ang pormal na pagkakatatag nito sa Estados Unidos noong panahon ng Cold War. Sa pamamagitan nito ay mas matututo rin ang mga mambabasa ukol sa mga natatanging katangian ng Araling Kabanwahan na iba sa Araling Pang-Erya, yamang ang dalawa ay bunga ng magkaibang kontekstong pangkasaysayan ng Estados Unidos at Pilipinas.

 

Ikalawa, nagbubukas ito ng mga direksyong maaaring paksain ng Araling Kabanwahan. Ipinakita halimbawa ni Jose na mabunga ang mga uri ng saliksik na nagsasagawa ng komparatibong pag-aaral na may kinalaman sa Kasaysayang Kababaihan. Liban sa makatutulong ito para sa pagmamapa sa kasaysayan ng papel ng kababaihan, makakabuo ito ng isang uri ng Araling Kabanwahan, partikular na ng Araling Timog Silangang Asya, na mas inklusibo. Pagiging mas inklusibong Araling Kabanwahan din ang tunguhin ng papel ni Navarro. Isang pandaigdigang suliranin sa kasalukuyan ang paglakay ng malayong kanan sa napakaraming bansa. Gamit ang dulog ng Araling Kabanwahan sa paksa ng malayong kanan, ipinamalas ni Navarro na makatutulong sa kapakanan ng mga inaapi (tulad ng mga kababaihan, migrante, minoryang etniko, LGBT, at manggagawa) ang pagkukumpara sa karanasang pulitikal sa pagitan ng mga kabanwahan. Siyempre pa ay marapat itong isagawa gamit ang wikang Filipino, dahil esensyal sa demokratisasyon ang produksyon ng kaalaman sa wikang ginagamit ng nakararaming mga Pilipino.

 

Ang puntong ito ay maghahatid sa atin sa ikatlong dahilan kung bakit mahalaga ang publikasyong ito. Ang inklusibong lapit nina Jose at Navarro ay nagpapakita na hindi lamang angkop na pangkalinangang pagpopook ang preokupasyon ng Araling Kabanwahan, bagkus ay mahalagang komponente rin nito ang isyu ng katarungang panlipunan. Sa aking palagay ay mahalagang salungguhitan itong huling nabanggit, lalo na dahil nasa panahon tayo ng isang represibong pamahalaan. Matagal nang ibinabato ang akusasyon sa iba’t ibang kilusang Pilipinisasyon tulad ng Pantayong Pananaw, na ang pangkalinangang pagsusuri nito ay maaaring magamit bilang nasyonalistang retorika ng mga pasistang estado. Ayon halimbawa sa mga kritiko ng Pantayong Pananaw tulad ni Lisandro Claudio, ang panawagan para sa pagkakaisa sa ngalan ng pagbubuo ng bansa ay maaaring humantong sa pagkabulag sa mga pang-aaping nagaganap mismo sa loob ng bansa sa pagitan ng mga Pilipino, tulad ng pang-aaping pang-uri at pangkasarian. Ang ganitong persepsyon sa Pantayong Pananaw ay lalo pang tumindi ngayong panahon ng rehimeng Duterte, lalo na dahil sa hayagang pagsuporta sa pangulo ng ilang tagapagtaguyod ng Pantayong Pananaw. Tahasan ang paggamit sa konsepto ng loob, budhi, pusong, at iba pang mga dalumat ng kulturang Pilipino upang ipakita na ang ugali, kilos at mga polisiya ni Duterte ay angkop sa Kapilipinuhan.

 

Sa ganang ito, napapanahon ang pagbibigay-diin ng kasalukuyang publikasyon sa isyu ng katarungang panlipunan bilang paksa ng Araling Kabanwahan. Ipinapakita nito na taliwas sa puna ng mga kritiko sa mga kilusang Pilipinisasyon, mayroong kapasidad ang mga ito na pagsabayin ang pagsusuring pangkalinangan at pagsusuring panlipunan. Ipinapakita nito na hindi natin kailangang mamili sa pagitan ng diwang malaya mula sa Kanluran para sa pagkakabuo ng bansa, o diwang mapagpalaya sa mga inaaping sektor ng lipunang Pilipino. Para sa Araling Kabanwahan, parehong mahalaga ang pagkakaisang pambansa at mga karapatang sektoral.

 

Ikaapat, ang pagkakalimbag ng mga komentaryo nina Salazar at Trajano sa antolohiyang ito ay nagpapakita ng papalawak nang papalawak na proyekto ng Araling Kabanwahan. Sa usapin ng paksa, ang kanilang mga isinulat ay naghahatid ng mga panibagong usapin sa loob ng Araling Kabanwahan, tulad ng diplomasyang kultural at pampublikong kalusugan na sa abot ng pagkakalam ko ay mga paksang hindi pa nasasaliksik ng mga nagdaang publikasyon sa Araling Kabanwahan. Ngunit hindi lamang sa usapin ng paksa makikita ang paglawak ng Araling Kabanwahan. Ang komentaryo nina Salazar at Trajano ay nagpapakita rin na nadaragdagan na ang mga indibiduwal na nagsusulat ukol sa Araling Kabanwahan. Mahalaga ito, lalo na dahil esensyal sa pagpapanatili at pagpapatatag ng anumang eskwela ng kaisipan ang pagdami ng mga akademikong nagsusulat ukol dito.

 

Mayroong mga kritiko ng mga kilusang Pilipinisasyon na nagsasabing ito ay isa nang napaglipasang bagay, isang kilusang tumugon sa pangangailangan ng Dekada Sitenta, ngunit sa kasalukuyan ay hindi na kailangan ng lipunang Pilipino, lalo na sa harap ng globalisasyon. Dagdag pa nila, ang kaunting bilang ng mga akademikong nagsusulong ng Pilipinisasyon ay isang malinaw na ebidensya sa katotohanang ito. Anila, tila tayo isang echo-chamber, tayo-tayo lang din ang nagbabasa ng sinulat ng isa’t isa, at tayo-tayo lamang din ang sumisipi sa ating mga akda. Sa ganang ito, ang pagdagsa ng mga bagong pangalan sa antolohiyang ito ukol sa Araling Kabanwahan ay maituturing na tagumpay, isang indikasyon na ang kilusang Pilipinisasyon ay hindi isang sarado at maliit na sirkulo ng mga indibiduwal na nahuhumaling sa mga napaglipasang bagay.      

 

May kinalaman sa puntong ito ang ikalimang kahalagahan ng aklat. Taliwas muli sa puna ng mga kritiko na ang mga tagapagsulong ng kilusang Pilipinisasyon ay mga makalumang akademiko na naipit sa napaglipasang diskurso ng Dekada Sitenta, ipinakita ng publikasyong ito na may kakayahan ang Araling Kabanwahan na makipagtalastasan ukol sa mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng lipunang Pilipino. Sa sanaysay ni Elumbre, binanggit niya na sinasalamin ng mga akda ng Araling Kabanwahan ang kontekstong panlipunang kinalalagyan ng mga manunulat nito. Halimbawa, noong Dekada Nobenta ay umusbong ang mga pag-aaral ukol sa migrasyon, bilang tugon sa pagbulusok sa bilang ng mga OFW. Sa unang dekada naman ng ikadalawampu’t isang dantaon, sumalamin ang mga akda ng Araling Kabanwahan sa mga napapanahong isyung pambansa, pangrehiyon at pandaigdig. Makikita sa kasalukuyang publikasyon na nagpapatuloy ang ganitong katangian ng Araling Kabanwahan, na lalong masasaksihan sa artikulo ni Navarro at komentaryo ni Trajano. Ano pang paksa ang mas napapanahon kaysa sa isyu ng malayong kanan at pampublikong kalusugan? Ang pagtalakay nina Navarro at Trajano sa mga paksang ito ay testamento na hindi naiipit ang mga kilusang Pilipinisasyon, tulad ng Araling Kabanwahan, sa nakalipas na diskurso ng Dekada Sitenta.

 

Ang lahat ng limang ito ay katibayan sa pagsisikap ng Araling Kabanwahan na patuloy na magkaroon ng saysay sa kontekstong Pilipino. Tulad ng paglalarawan ni Covar sa Pilipinolohiya, ang Araling Kabanwahan ay nagpapanday ng mga pamamaraan, teorya, at pananaw, hindi lamang para sa ikauunlad ng mga akademikong disiplina, kundi para sa kapakinabangan ng Kapilipinuhan, kahit pa sa mga paksa na ukol sa labas ng bansa. Nais kong tapusin ang pagpapahalagang ito sa aklat sa pamamagitan ng pagsipi sa makapangyarihang metaporang iniwan ni Elumbre sa dulo ng kanyang artikulo:

 

Pagpapatunay ang mga ito na posible ang oryentasyong Pilipino kahit na sa inilalakong “internasyonalisasyon,” na tinitingnan ng ilan bilang pagpapatianod lang sa anumang kalakarang internasyonal. Hindi pagpapatangay sa agos kundi paglalayag nang may direksyon ang matutunghayan sa Araling Kabanwahan.



[1] Prospero R. Covar, Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture (Maynila: Sampaguita Press, 1998), 30.

[2] Mary Dorothy dL. Jose, Atoy Navarro, at Jerome Ong, mga pat., Araling Pang-Erya at Araling Kabanwahan (Manila: Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila, 2021).

Rebyu #80 -- Christologies, Cultures, and Religions nina Pascal Bazzell at Aldrin PeƱamora

Bazzell, Pascal D., Aldrin PeƱamora. Mga Pat. Christologies, Cultures, and Religions: Portraits of Christ in the Philippines. Metro Manila: OMF Literature Inc., and Asia Theological Association, 2016.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag bilang:

Santos, Mark Joseph P. "Kristolohiya sa Konteksto ng Teolohiyang Pilipino." PWU Research Journal Vol. 10 (December): 14-24. 

Mababasa ito sa:

https://drive.google.com/file/d/1ii7LbMOfHI9O2K1iqzNGr4tgcrPgxKLV/view?usp=drive_link 

Rebyu #79 -- Interrogations in Philippine Cultural History ni Resil B. Mojares

 Mojares, Resil B. Interrogations in Philippine Cultural History: The Ateneo de Manila Lectures. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2017.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag bilang:

Santos, Mark Joseph P. "Ang Historiograpiyang Third Way at ang Tugon ng Pantayong Pananaw: Isang Kritikal na Pagbasa sa Historiograpiya ni Resil Mojares." TALA Vol. 4, No. 1 (June 2021): 199-216.

Matatagpuan ito sa bahay-dagitab (website) ng TALA:

Rebyu #78 - Children of the Postcolony ni Charlie Samuya Veric

Veric, Charlie Samuya. Children of the Postcolony: Filipino Intellectuals and Decolonization, 1946-1972. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2020.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag bilang: 

Santos, Mark Joseph P.  "Dekolonisasyon at ang Kapantasang Pilipino: Isang Pagbasa sa Kasaysayang Intelektuwal ni Charlie Samuya Veric." TALA: An Online Journal of History Vol. 4, No. 2 (December 2021): 83-89.

Matatagpuan ito sa bahay-dagitab ng TALA:

Rebyu #77 -- Irresistible: The Rise of Addictive Technology and the Business of Keeping Us Hooked ni Adam Alter

Alter, Adam. Irresistible: The Rise of Addictive Technology and the Business of Keeping Us Hooked. New York: Penguin Press, 2017.



Ang rebyu sa aklat na ito ay kasalukuyang dumadaan sa proseso ng peer review ng Saliksik E-Journal. 

Rebyu #76 -- Ang Maganda sa Teolohiya nina de Mesa, Padilla, Lanaria, Cacho, Cipriano, Capaque, at Gener

De Mesa, Jose M, Estela P. Padilla, Levy L. Lanaria, Rebecca C. Cacho, Yuri D. Cipriano, George N. Capaque, at Timoteo D. Gener. Maganda sa Teolohiya. Quezon City: Claretian Communications Foundation, 2017.



Ang rebyu sa aklat na ito ay kasalukuyang dumadaan sa proseso ng peer review sa Saliksik E-Journal.

Rebyu #75 -- Writing Material Culture History nina Anne Gerritsen at Giorgio Riello

 Gerritsen, Anne at Giorgio Riello. mga pat. Writing Material Culture History. London: Bloomsbury, 2015.


Ang rebyu sa aklat na ito ay kasalukuyang dumadaan sa proseso ng peer review ng Saliksik E-Journal.

Rebyu #74 -- Ka Bel: The Life and Struggle of Crispin Beltran ni Ina Alleco Silverio

Silverio, Ina Alleco R. Ka Bel: The Life and Struggle of Crispin Beltran. Quezon City: Southern Voices Printing Press, 2010.


Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 173-175.

Rebyu #73 -- Isang One Dalawang Zero ni Romeo PeƱa

PeƱa, Romeo Palustre. Isang One Dalawang Zero: Isang Nobela. Pasay: Visprint, Inc., 2018.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 169-170

Rebyu #72 -- Luha ng Buwaya ni Amado Hernandez

Hernandez, Amado V.  Luha ng Buwaya. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1974.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 165-167.

Rebyu #71 -- Mass ni F. Sionil Jose

 Jose, F. Sionil Mass. Manila: Solidaridad Publishing House, 1983.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 153-163.

Rebyu #70 - Tree ni F. Sionil Jose

 F. Sionil Jose, Tree (Ermita, Manila: Solidaridad Publishing House, 1978



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 145-151.

Rebyu #69 -- Bata, Bata... Pano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista

 Bautista, Lualhati. Bata, Bata… Pano Ka Ginawa? Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc., 2018.


Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 139-144.

Rebyu #68 -- Gapo ni Lualhati Bautista

Bautista, Lualhati. Gapo (at isang Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown). Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc., 2018.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 125-138.

Rebyu #67 -- Theology of the Pain of God ni Kazoh Kitamori

Kitamori, Kazoh. Theology of the Pain of God, 5th Revised Edition. Richmond, Virginia: John Knox Press, 1958.


Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 115-122.

Rebyu #66 -- This Complicated and Risky Task ni Rodrigo Tano

Tano, Rodrigo D. This Complicated and Risky Task: Selected Essays on Doing Contextual Theology from a Filipino Evangelical Perspective, pinatnugutan ni Romel Regalado Bagares (Quezon City: Alliance Graduate School, 2006 .




Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 37-41.

Rebyu #65 -- Adequate but not Enough ni Jose de Mesa

De Mesa, Jose M. Adequate but not Enough: A Filipino Reflection on the Triune God; Sapat, Ngunit Kulang pa rin: Isang Kultural na Pagmumuni-muni sa Hiwaga ng Santatlo. Quezon City: Claretian Communications Foundation, Inc., 2018.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 97-106.

Rebyu #64 -- Toward a Theology of People Power ni Douglas Elwood

Elwood, Douglas. Toward a Theology of People Power: Reflections on the Philippine February Phenomenon. Quezon City: New Day Publishers, 1988.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 37-41.

Rebyu #63 -- Transforming Society ni Melba Padilla Maggay

Maggay, Melba Padilla. Transforming Society: Reflections on the Kingdom and Politics. Quezon City: Institute for Studies in Asian Church and Culture, 2004.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 85-90.

Rebyu #62 -- Models of Contextual Theology ni Stephen Bevans

Bevans, Stephen B. Models of Contextual Theology. Manila: Logos Publications, Inc., 2003.



Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 73-83.

Rebyu #61 -- Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Freire

Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed. Salin ni Myra Bergman Ramos. New York: Continuum Publishing Corporation, 1982.




Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 59-70.

Rebyu #60 -- Alternative Discourses in Asian Social Science ni Syed Farid Alatas

Alatas, Syed Farid. Alternative Discourses in Asian Social Science: Responses to
Eurocentrism. New Delhi: Sage Publications, 2006.






Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 49-57.

Rebyu #59 -- From Colonial to Liberation Psychology ni Virgilio Enriquez

Enriquez, Virgilio G. From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience. Quezon City: University of the Philippines Press, 2016.






Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 43-47.

Rebyu #58 -- Pukiusap ni Liv Stromquist (Salin ni Beverly Sy)

Stromquist, Liv. Pukiusap. Salin ni Beverly W. Siy. Mandaluyong: Anvil Publishing Inc., 2014.






Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 37-41.

Rebyu #57 -- Pandemic! Covid-19 Shakes the World ni Slavoj Zizek

 Zizek, Slavoj. Pandemic! Covid-19 Shakes the World. New York: OR Books, 2020.




Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 31-36.

Rebyu #56 -- On History ni Fernand Braudel

Braudel, Fernand. On History. Salin ni Sarah Matthews. Chicago: The University of Chicago Press, 1980.






Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag at matatagpuan sa:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 25-30.

Rebyu#55 -- "Abakada" ng Kasaysayang Pampook ni Wensley Reyes

Reyes, Wensley M. "Abakada" ng Kasaysayang Pampook: Kartilya sa Pananaliksik at Pagsusulat ng Kasaysayan ng Bayan. Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan, 2020. 






Ang rebyu sa aklat na ito ay nailimbag bilang:

Mark Joseph P. Santos, 19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan (Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2021), 21-23.





Rebyu #54 - A Duterte Reader ni Nicole Curato

Curato, Nicole. A Duterte Reader: Critical Essays on Rodrigo Duterte's Early Presidency (Quezon City: Bughaw, 2017).

Calling together a roster of 19 scholars from the fields of political science, sociology, history, journalism, Asian studies, and development studies, Nicole Curato edited a book that tries to make sense of Duterte's first six months in the presidency, and to understand the phenomenon of the rise of Dutertismo beyond the man and into the complex political and social realities of the Philippines three decades after EDSA. By doing so, the edited volume was able to peek into different facets of the issue through 15 erudite essays:


1. Julio Teehankee's "Was Duterte's Rise Inevitable" argued that as unusual as it seems to be, the victory of Duterte is not surprising at all. Using Skowronek's theory of political time, Teehankee was able to show that Duterte came exactly at a time when the EDSA regime was already ripe for repudiation. The EDSA regime's basic concepts of liberal democracy, human rights, equality, and progress were therefore easily stripped by Duterte of its significance by showing its hypocrisy and failure to bring real institutional changes into the Philippine elite democracy. The coming of Duterte meant the beginning of a post-EDSA regime.

2. In the essay "Who Supports Rodrigo Duterte," Ronald Holmes (President of Pulse Asia Inc.) analyzed the statistical results of surveys by Pulse Asia and Social Weather Stations on Duterte's trust and performance rating. He demonstrated that the support base of Duterte cuts accross all geographical regions, genders, ages, and classes. After comparing it to the trust and performance ratings of previous post-EDSA presidents, Holmes predicted that a significant change on Duterte's ratings will likely to occur based on the administration's response to different problems that will befall the regime in the future.

3. Walden Bello's "Rodrigo Duterte: A Fascist Original" insisted that Duterte, who has an authoritarian tendency, is indeed a fascist like Hitler, Mussolini and Marcos. Yet unlike the three, Duterte's archenemy is not communism but liberal democracy of the EDSA regime. Bello argued that this authoritarian attempt to destroy liberal democracy is not a rare phenomenon in the Philippines, but is a global trend.

4. Patricio Abinales and Lisandro Claudio's "Dutertismo, Maoismo, Nasyonalismo" attempted to explain the complex relationship of the Left to the Duterte Regime. The proximity of the Left to Duterte is understandable as the latter's speech and actions are relatable to the Left: Duterte's pronouncement of his socialist stance, his past connections to Joma and the Kabataang Makabayan, his anti-American language, his invitation to CPP-NDF's nominees to seat in his Cabinet, his efforts for the peace talks, among others. The Left's usual critical voice has been moderated due to this alliance and it was put into a difficult place in its relationship to Duterte. But this compromised relationship will likely to be more complicated in the unfolding of events.

5. In "The Mindanaoan President," Jesse Altez and Kloyed Caday make sense of Duterte's almost 100% support rating in Mindanao. Being the first Mindanaoan President, the writers show how Duterte was able to give a language i which the Mindanaoans (tripeople of Moros, Lumads, and Christian Immigrants) was able to express their numerous decades of disillusionment with the Manila elites. By his speeches and by showcasing his successful Davao as a model city for Mindanao, Duterte triumphs in his plan to present himself as the embodiment of Mindanao's century-long struggle for peace and progress.

6. Adele Webb in "Hide the Looking Glass: Duterte and the Legacy if American Imperialism" studied the complex dealing of Duterte with Americans. Webb suggests that by exposing the American abuses in Philippine history, showing the injustice in unfair economic treaties, threatening to aline the Philippines to other countries, and cursing its very president, Duterte gave power to the wounded ego of a people that was presented by the Americans as an inferior nation.

7. Nathan Gilbert Quimpo's "'Duterte's War on Drugs:' The Securitization of Illegal Drugs and the Return of National Boss" used the securitization theory of the Copenhagen School to show how Duterte succeeded in constructing a national enemy: drugs. Despite the fact that the official statistics both from the government and international institutions show otherwise, Duterte succeeded in creating a national crisis, putting the public in panic that the Philippines is in the brink of being a narco-state. By doing so, he was able to harness the support of the public and the might of both PNP and AFP to go into rampage against alleged drug addicts. Quimpo insisted that the real intention of Duterte is not to merely eradicate drugs, but to use this war as a justification of his transformation as a national boss for the triumph of his authoritarian plan.

8. In the essay "Murder as Enterprise: Police Profiteering in Duterte's War on Drugs," Sheila Coronel depicted the police not as a mere instrument that blindly follows a patron, but an autonomous being that participates in the war on drugs as an entrepreneur that seeks profit. Utilizing court testimonies, journalistic reports, and case studies by human rights groups as sources, Coronel crafted a narrative that demonstrates how the police kills for profit: from extortions from drug suspects, demanding ransom rewards from the family of the suspect, to bonuses from civil officials, commission from funeral parlors, and under-the-table rewards for every person killed.

9. In "A Mandate for Mass Killings? Public Support for Duterte's War on Drugs," human rights scholar Jayson Lamcheck traces Duterte's role in the killings of Davao Death Squad in Davao, his speeches against criminals and human rights, the denials and deflection of the government in the issue of EJK, the outworking of the Project Double Barrel with Oplan Tokhang, and the barangay-based surveillance and the creation of dreaded "drug watch-list." Lamcheck gave a proposal in the end to resist the call to participate in this systematic surveillance to prevent the genocide in making.

10. Ann Cristina Pertierra's "Celebrity Politics and Televisual Melodrama in the Age of Duterte" tried to locate Duterte in an age where celebrity politics is dominant. She argued how Duterte benefited from this scenario: how the people perceived him and responded to him based on a worldview shaped by televisual melodrama.

11. Jason CabaƱes and Jayeel Cornelio's "The Rise of Troll in the Philippines (And What We Can Do About It)" discourses the complex issue of trolling in the social media. They defined professional trolls as those who are being payed for their deceiving and sowing seeds of enmities in the social media. The authors give caution on giving labels on people that has different view with us as trolls. The essay showed how giving labels such as "Dutertard" and "Yellowtard" is detrimental to meaningful engagement. They gave recommendations on how to fight trolling since it can undermine the democratic spaces in the social media: for individual users to be vigilant and for the mainstream media to change its traditional ways in doing journalism.

12. John Andrew Evangelista's "Queering Duterte," through the use of Butler's version of queer theory, tried to locate Duterte's misogynistic language and sexism in a political culture that is alredy sexist before the coming of Duterte. He discussed how the Philippine politics' hetero-patriarchal system produced a normative view of women as inferior and men as superior players in politics. He differentiated between two kinds of macho politics: statesmen politicians and populist politicians.

13. Cleve Arguelles' "Duterte's Other War: The Battle for EDSA People Power's Memory" argued that Duterte is engaged not only in war against drugs but war on memory. Duterte is trying to alter the meaning of EDSA that is indicated by some of his previous actions such as toning down the celebration of EDSA, supporting the return of the Marcos family in national politics, and burying Marcos in the Libingan ng mga Bayani. The writer said that Duterte is doing so to create a national amnesia that will pave the way for the creation of a counter-narrative that will legitimize his own administration as an alternative to the EDSA regime.

14. In "Who will Burn Duterte's Effigy," Emerson Sanchez insisted that despite some criticism of scholars to the Left as being tame due to its proximity with Duterte, it has never been silent. By quoting some official statements from the CPP, Bayan, IBON, Karapatan and other Left entities, Sanchez proved that the Left maintained its critical stance over the issues of human rights, war on drugs, contractualization, and Marcos' burial. At the latter part of the Duterte's first year in the presidency, it was shown how the Left resumed its protests, and return to its practice of burning the effigy of a repressive president.

15. In "Engaging Duterte: That Space in Between Populism and Pluralism," Carmel Abao depicted Duterte as a populist leader who is againt pluralism. Abao made a call to fill in the void in th middle of populism of Duterte that breeds authoritarianism and pluralism of traditional oligarchs that produces elitism. Both must be abhorred. Since the Left cannot at this time fill in this gap, a role that they traditionally fill, due to their alliance with Duterte, the people must name other players to fill in the void that will counter both authoritarianism and elitism

Rebyu #112 - Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing ni Ricky Lee

Lee, Ricky. Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing. Loyola Heights, Quezon City: Philippine Writers Studio ...